Pagdawit ng sinibak na BI exec sa opisina ni FL Liza, ikinabahala


MANILA, Philippines — Ikinabahala ng ilang opisyal ng pamahalaan ang pagbanggit ng sinibak na Bureau of Immigration (BI) Board of Special Inquiry Chairman Gilberto Repizo sa opisina ng Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, sa isang liham na ipinadala nito kay BI Commissioner Joel Viado at lumabas sa media.

Sa nasabing liham, inireklamo ni Repizo si Viado na sinisiraan umano siya sa opisina ng First Lady.

Para sa ilang opisyal  ng BI, hindi tama na isama ang pangalan ng tanggapan ng First Lady sa panloob na sigalot sa ahensya.

Nagtataka rin ang mga ito sa intensyon ni Repizo sa pagbabanggit ng opisina ng Unang Ginang.

Matatandaang si Repizo ang nagrekomenda ng piyansa para sa Chinese detainee na si Tony Yang, isang hakbang na tinutulan ni Viado dahil umano sa paglabag sa mga panuntunan ng ahensya.

Panawagan ng mga opisyal kay Repizo na tigilan ang pagbanggit sa opisina ng Unang Ginang sa mga personal na isyu at harapin na lamang ang imbestigasyong ipinatawag ng Senado sa pangunguna ni Sen. Win Gatchalian.