MANILA, Philippines — Handa si reigning World Boxing Council (WBC) welterweight champion Mario Barrios na salagin ang anumang puwersang ilalatag ni eight-division world champion Manny Pacquiao.
Maghaharap sina Barrios at Pacquiao sa Hulyo 19 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.
Kaya naman iniha-handa na ni Barrios ang magiging game plan nito upang masigurong kamay niya ang itatas sa oras na matapos ang laban.
“I have to be ready for whatever he brings,” ani Barrios.
Alam ni Barrios ang ginagawang paghahanda ni Pacquiao sa laban.
Aminado rin ito na hindi basta-basta kalaban ang isang legendary boxer na tulad ni Pacquiao na marami nang napatunayan sa mundo ng boksing.
Bata pa lang si Barrios ay nakikita na nito ang laban ni Pacquiao noong nasa kasagsagan pa ito.
Pinanood ni Barrios ang mga nakalipas na laban ni Pacquiao partikular na ang huling pro fight nito noong 2021 laban kay Yordenis Ugas para makabisado ang bawat galaw ng Pinoy champion.
Kasabay nito ang pagbuo ng sariling taktika na gagamitin nito laban kay Pacquiao.
Kaya naman inaasa-hang magiging eksplosibo ang laban sa oras na magkrus ang kanilang landas.
Desidido si Barrios na madepensahan ang kanyang korona upang maka- gawa ng sariling pangalan na tulad ng kay Pacquiao.
“I am ready to defend my title,” muling giit ni Barrios.
Walang ibinigay na prediksiyon si Barrios kung paano nito tatalunin si Pacquiao — via knockout o by decision.
Subalit nangako ito na gagawin nito ang lahat para masigurong makukuha nito ang panalo laban sa Pinoy boxing hero.
Paborito si Barrios na manalo sa laban base sa betting.
