LUMAPIT si Apol sa puno ng bayabas habang nakatingala at pinanonood ang dalagita sa itaas. Naka-t-shirt at shorts ang dalagita. Mahaba ang buhok at may itsura.
“Ikaw pala ang nagnanakaw ng bayabas ko. Kaya pala wala akong makuhang bunga ay ninanakaw mo,’’ sabi ni Apol.
Ang dalagita ay namutla sa takot. Nakakapit nang mahigpit sa sanga ng bayabas.
“Bumaba ka diyan! Tatawag ako ng pulis kapag hindi ka bumaba!”
Natakot ang dalagita nang marinig na tatawag ng pulis si Apol. Mabilis itong bumaba.
Nang makababa ay kinumpronta ni Apol.
“Saan ka nagdaan at nakapasok ka sa bakuran ko?”
“Dun po!”
Itinuro ang sulok ng bakuran na walang bakod.
“Ilang beses ka nang pumapasok dito?”
“Dalawa lang po.”
“Huwag mo nang uulitin yun ha?”
“Opo. Hindi na po.”
“Sige makakaalis ka na.”
“Mabilis na umalis ang dalagita. Nagdaan ito sa bahaging walang bakod.
Sinundan ito ng tingin ni Apol.
Nang makaalis ang dalagita, pumasok na sa bahay si Apol. (Itutuloy)