Agosto 17, 2025 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

August 17, 2025 | 12:00am

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) – Maligaya ka man o malungkot, alam mo ang iyong katayuan. Basta huwag mawalan ng pag-asa. Dahil ang bawat bagong umaga ay pagkakataon para mas mabuti ang iyong kalagayan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 9, 26, 39 at pink.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Kung maligaya ka ngayon, ‘yun ay dahil nagsikap at nagtiyaga ka. Ipagpatuloy mo ito. Lucky numbers at color for the day ang 16, 18, 29, 39 at jade green.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Masaya ka dahil sa nakamit ang minimithi. Ingatan ang kalusugan para lalong ma-enjoy ang life. Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 22, 37 at beige.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Kung inaakala na walang pagbabago ang iyong asawa at mga anak, nagkakamali ka. Dapat na pagtuunan ito. Lucky numbers at color for the day ang 12, 18, 28, 38 at dollar.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Kung ang iyong kakayahan ay ipinamahagi, lalago ito at uunlad pa. Mas magiging happy ka. Lucky numbers at color for the day ang 9, 13, 37, 38 at maroon.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Kung isinilang ka sa araw na ito, mapalad ka dahil may biyayang nakalaan para sa iyo. Makakaahon sa kagipitan. Lucky numbers at color for the day ang 14, 15, 32, 42 at white.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) – Kung dadalaw sa pinakamalapit na kamag-anak, magbitbit ka ng pagkain. Lucky numbers at color for the day ang 4, 16, 33, 42 at scarlet.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Kung hagupit sa kawalan ang tinatamasa, huwag mawalan ng pag-asa. Makakaahon  ka. Lucky numbers at color for the day ang 2, 9, 19, 37 at aquamarine.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) – Dahil sa pagsisikap, magiging maligaya at masaya ka. Kabaliktaran kung tamad. Lucky numbers at color for the day ang 18, 19, 23, 31 at tangerine.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Minsan dumarating ang pagsasama-sama ng buong pamilya. Dapat paghandaan ito. Lucky numbers at color for the day ang 13, 15, 35, 42 at ocean blue.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) – Huwag isisi sa iba kung bakit nagkaganoon ka, dahil ikaw ang nagdedesisyon. Lucky numbers at color for the day ang 11, 19, 37, 42 at yellow.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Kung may kagalit, tamang panahon na makipagbati ka. Kung may nagkasala sa’yo, patawarin.Lucky numbers at color for the day ang 1, 11, 26, 37 at blue sapphire.