Akyat-Bahay’ tiklo sa rooftop bitbit ang TV ng kapitbahay


CAVITE, Philippines — Huli sa akto ang isang kawatan habang nasa bubungan ng bahay at papatakas na bitbit ang isang malaking TV ng kaniyang kapitbahay, kama­kalawa sa Brgy. Mabolo, Bacoor City.

Arestado ang suspek na nahulihan din ng shabu na kinilala sa alyas “Jeffrey”, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Mabolo, Bacoor City.

Sa ulat ng pulisya, alas-10 ng umaga nang maaktuhan ni alyas Maria ang suspek sa rooftop ng kanilang bahay habang bitbit nito ang kanyang malaking TV na Samsung Led makaraang pasukin ang kanilang tahanan.

Sa tulong ng mga opisyal ng barangay, naaresto ang suspek at agad dinala sa Bacoor Police Station.

Nakuhanan din ang suspek ng dalawang plastic sachet na naglalaman ng shabu. Kasalukuyan ng nakakulong ang suspek at nahaharap sa patung-patung na kaso.