Legazpi City, Albay, Philippines — Nagresulta ng malaking problema sa maraming mananakay sa Albay na karamihan ay papasok sa trabaho ang kawalan ng masasakyan.
Simula alas-6 ng umaga kahapon ay umabot sa 95% ang naparalisang transportasyon sa buong lalawigan. Ito ay dahil sa pakikiisa nang halos lahat ng pampasaherong jeepney sa kanilang tigil-pasada. Dahil sa epekto ng krisis sa langis at pagtaas ng mga bilihin.
Nagpalabas ng “libreng sakay” ang Police Regional Office 5, Philippine Army at ilang lokal na pamahalaan, pero marami ang hindi inabot ng serbisyo. Sinuspindi rin ang klase ni Vice Governor Farida “Diday” Co sa lahat ng level sa buong lalawigan at pinayuhang ipatupad ang alternative learning modality.
Magpapatuloy umano ang tigil-pasada habang hindi ibinibigay ng pangulo ang hinihinging tanggalin ang oil deregulation law, excise, at expanded value added tax ng mga produktong petrolyo.