October 21, 2025 | 12:00am
NAKUNAN ng security camera kung paano nagliyab ang isang lithium-ion battery sa loob ng bahay ng isang bumbero sa North Carolina, U.S.A. matapos itong kagatin ng alaga niyang aso.
Ang insidente ay nagdulot ng sunog sa carpet ng kanilang bahay.
Si David Sasser, may-ari ng bahay, ay mabilis na rumesponde matapos makatanggap ng alert mula sa kanyang security system.
Walang miyembro ng pamilya ang nasaktan at tanging ang carpet lamang ang nasira, dahil sa mabilis nilang pagtugon at pagkaapula ng apoy.
Binigyang-diin ni Durham Fire Chief Robert Zoldos ang dumaraming panganib ng lithium-ion batteries kapag nasira, na-overcharge, o hindi naitapon nang tama. Naging sanhi na ito ng ilang sunog sa kanilang lugar.
Nagsilbing paalala ang pangyayari kay Sasser at sa publiko na maging maingat sa paggamit at pagtatapon ng mga bateryang ito.
Mahalaga ang ligtas na pag-charge, pagbili ng mga certified products, at pag-iwas sa overcharging upang maiwasan ang mga ganitong aksidente.