September 20, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Pilipinas bilang bagong ‘sports heroes’ ng bansa.
Ito ay matapos ang makasaysayang panalo sa 2025 FIVB Volleyball Men’s World Championship at muntikan nang pagsampa sa Round of 16.
“This is much more than we expected. But all things considered, it’s no big surprise. We put our faith in these guys to deliver, and they did,” ani Suzara sa mga Pinoy spikers. “They’re the new sports heroes of the country.”
Kinapos ang World No. 82 Alas Pilipinas sa World No. 14 Iran, 25-21, 21-25, 25-17, 23-25, 20-22, sa kanilang agawan sa tiket sa knockout stage ng 32-team world championship.
Nauna nang gumawa ng kasaysayan ang tropa nina Bryan Bagunas, Marck Espejo at Leo Ordiales matapos ang 29-27, 23=25, 25-21, 25-21 paggulat sa World No. 23 Egypt.
Hinamon ni Suzara ang Alas Pilipinas na maging inspirasyon ng kabataan.
“Elevate the sport locally through mentorship… set an example for younger athletes with discipline, teamwork, and resilience,” ani Suzara.
Samantala, hahataw ang Round of 16 tampok ang laban ng World No. 1 Poland at Canada ngayong alas-8 ng gabi matapos ang duwelo ng Turkiye at Netherlands sa alas-3:30 ng hapon.
Bukas ng alas-3:30 ng hapon magtatapat ang Argentina at Italy kasunod ang upakan ng Belgium at Finland sa alas-8 ng gabi.
