Alas Pilipinas U16 umiskor sa Iran


Pilipino Star Ngayon

November 4, 2025 | 12:00am

AMMAN, Jordan — Si­napawan ng Alas Pilipinas girls team ang mas ma­tangkad na Iran, 25-21, 25-22, 25-22, papasok sa se­cond round ng 2nd Asian Volleyball Confederation Asian Women’s U16 Vol­ley­ball Championship dito sa Princess Sumaya Hall.

Pumalo ang 14-anyos na si Xyz Rayco ng Saint Mi­chael College of Caraga ng 13 points mula sa siyam na kills, tatlong blocks at isang ace para ibangon ang tropa mula sa naunang four-set defeat sa defending champion Japan.

Nagdagdag si Madele Gale ng siyam na marka ka­sama ang game-winning joust.

May pitong puntos si Nadeth Herbon kasunod ang anim na marka ni Merish Beltran.

Nakatengga pa ang pu­westo ng Alas Pilipinas girls sa second round dahil sa resulta ng huling Pool B game sa pagitan ng Japan at Iran.

Posibleng makatapat ng mga Pinay spikers ang Pool D top seed o second seed na paglalabanan ng mga unbeaten teams Thailand at Chinese Taipei.

“We were hoping to at least take a set against Iran, and we started off with a good score. We just told ourselves to take it one set at a time. And it worked,” sabi ni Alas U16 head coach Edwin Leyva.