Alex Eala naghahanda na para sa French Open


MANILA, Philippines —  Tatlo pang clay tournaments ang nadagdag sa mga lalahukan ni Alex Eala bilang paghahanda sa French Open na idaraos sa susunod na buwan sa Paris, France.

Lalahok pa si Eala sa WTA 1000 Madrid Spain/WTA 125 Vich Spain sa Abril 28 hanggang Mayo 4 sa Spain gayundin sa WTA 1000 Rome Italy sa Mayo 5 hanggang 11 sa Rome, Italy.

Nakalinya pa ang WTA 1000 Rome Italy/ WTA 125 Parma Italy sa Mayo 12 hanggang 18 bilang final tuneup nito bago ang French Open sa Mayo 25 hanggang Hunyo 8.

Nauna nang nakalinya ang 2025 Oeiras Ladies Open na idaraos sa Abril 14 hanggang 20 sa Portugal kung saan top seed ang 19-anyos Pinay netter.

Matapos ang Portugal event, tutulak na ito sa Madrid, Spain para sa Mutua Madrid Open sa Abril 21 hanggang 27.

“Of course, I’m exci­ted for the Grand Slams ahead, Roland Garros,” ani Eala.

Dahil sa kanyang mataas na ran­king, hindi na daraan pa sa quali­fying round si Eala na kasalukuyang No. 73 sa world rankings.