Ang 2 rallies sa Luneta bukas


BANAT NI BATUIGAS — Bening Batuigas — Pilipino Star Ngayon

November 29, 2025 | 12:00am

HUWAG naman sanang magpalinlang ang publiko sa naka­takdang rally bukas sa Luneta, na tinawag na “Baha sa Luneta 2.0”. Hindi ito part 2 ng nakaraang Iglesia ni Cristo (INC) mobilization for transparency and accountability.

Ang November 30 protest ay inorganisa ng makakaliwang grupo, na hindi naman interesado sa pagsulong ng transpa­rency and accountability kaugnay ng multi-billion flood control projects-related corruption investigations.

May mga grupo kasing kumikilos ngayon upang maisalba ang mga sangkot sa multi-bilyong piso na pondo sa flood control project ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ang pinupursige ng leftist communist organizations ay palitan ang gobyerno ng ayon sa gusto nila. Kaya matagal nang isinu­suka ng mga Pilipino ang kanilang Godless ideology.

Hindi na ako magugulat kung ang bahagi ng “Baha sa Luneta­ 2.0” crowd ay biglang humiwalay at sumugod sa Mendiola at magsimula na naman ng gulo. Ito kasi ang ginagawa nila sa tuwing magsagawa ng kilos-protesta – ang magkaroon ng kaguluhan.

Dalawa ang rally sa Linggo—ang isa ay “Trillion Peso March”, at ang “Baha sa Luneta 2.0”.

Ang “Trillion Peso March Part 2” ay inorganisa ng Trillion Peso March Movement (TPMM) na binubuo at pinangungu­nahan ng religious groups ng Catholic Church, civil society at sectoral organizations, political formations at iba pang moderate circles na naghahangad papanagutin ang mga sangkot sa flood control scam mula sa Department of Public Works and High­ways (DPWH).

Ang “Baha sa Luneta 2.0” ay pinangungunahan ng leftist and communist groups na kinabibilangan ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) at ng Communist Party of the Philippines (CPP), na walang ibang isinisigaw kundi revolution sa halip na magsulong ng mga reporma.

Sa kanilang press conference, ang gusto mangyari ng mga lider ng Kilusang Bayan Kontra Kurakot (KBKK) ay pababain at ikulong sina President Marcos at Vice President Sara. Ang KBKK ay tutol sa constitutional process of succession for a leader­ship change at ang gusto’y bumuo ng transition council para i-take over ang gobyerno. Isa itong kalokohan!

Ang balak ng KBKK ay binasura ni Caritas Philippines president at Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo at Dumaguete Bishop Julito Cortes. Ayaw nila ng unconstitutional action!

Ang gusto nila para sa mga Pilipino ay komprontahin, supilin ang korapsyon  and “demand justice, transparency and accountability … We don’t support any forces calling for a military junta, revolutionary government or similar actions. In other words, we adhere to the call of the Constitution that we should follow democratic processes.”

Ang pinasimulan nang imbestigasyon ni PBBM ay lumalawak na, sabi nga ni Independent Commission on Infrastructure (ICI) Commissioner Rogelio Singson. Inaasahan ng ICI na aabot ng 1,200 individuals ang makakasuhan sa kickback schemes na may kaugnayan sa 80 identified anomalous flood control projects na ginawa ng  notorious private contractors.