Ang kapit bahay (20) | Pilipino Star Ngayon


Ronnie M. Halos — Pilipino Star Ngayon

February 4, 2026 | 12:00am

NABAGABAG ang kalooban ni Vince sa sinabi ng babae na kaya ito nagpupumilit hanapin si John ay para sa kanyang anak. Kailangan nito ng sustento. Mag-a­aral na raw ang anak. Kung mayroon lang daw siyang magagawa, hindi na niya hahanapin si John at magmamakaawa rito.

“Buwanan kung umuwi si John sa bahay na ‘yan. Nitong mga nakaraang araw, nagtaka ako na ang kasama niyang babae ay hindi ko na nakikita.

Nang minsang magkausap kami ni John, sinabi niyang may nangyari sa babae—parang na-food poison. Naospital daw.”

Hindi makapagsalita ang babae. Tila naghihintay pa ng mga sasabihin ni Vince.

“Sabi ni John, baka raw matagalan bago pa ma­ka­uwi ang babae.”

“Puwede kong malaman ang name ng babae?”

“Marie.”

“Mayroon silang anak?”

“Sabi ni John, wala raw.”

“Totoo kaya ‘yun?”

“Wala akong nakikitang bata sa bahay—baka nga walang anak.”

“Salamat sa mga info. Hindi ko malilimutan ang kabutigan mo. Ako nga pala si Teresa—ikaw?”

“Vince.”

“Isang malaking pangyayari sa buhay ko na nakilala kita, Vince.”

“Iwanan mo ang number ng CP mo at iti-tip ko sa’yo ang pag-uwi ni John.”

“Salamat nang marami Vince—hulog ka ng langit sa akin.”

Itutuloy