February 22, 2026 | 12:00am
HINDI inaasahan ni Vince ang makikita sa salas ng bahay ni John! Gulat na gulat siya! Hindi niya malaman ang gagawin—ipagpapatuloy ba niya ang pagsilip o hindi na?
Sa ibabaw ng sopa, nakita niya sina John at Teresa na nagtatalik!
Ang sopa ay ang hinigaan ni John kagabi nang iwan niya itong nakabulagta sa kalasingan.
Nanuyo ang lalamunan ni Vince habang pinanood ang “live show”. Hindi malaman ni Vince ang gagawin sa pagkakataong ‘yun—aatras ba siya o ipagpapatuloy ang panonood sa “live show”.
Sa palagay ni Vince, sabik na sabik ang dalawa. Mainit na mainit ang pagtatalik. Parang bagong kasal! Parang nagha-honeymoon!
Kaya pala hindi na lumabas si Teresa ay may nangyayari na sa kanila.
Lalo pang nanuyo ang laway ni Vince nang marinig ang mahinang daing ni Teresa. Pero daing na hindi naman nasasaktan kundi nasisiyahan.
Maaaring ngayon na lamang uli nagtalik ang dalawa makaraang mambabae si John. Ilang taon na kaya? Kaya siguro sabik na sabik lalo pa nga si Teresa.
Hindi mapakali si Vince sa kinatatayuan lalo na kapag naririnig ang daing ni Teresa.
Hanggang makita niya na nasa ibabaw si Teresa.
Tutok na tutok ang mga mata ni Vince sa pagkakasilip sa siwang ng pinto.
Hindi siya humihinga.
Itutuloy