Ang kapit bahay (4) | Pilipino Star Ngayon


Ronnie M. Halos — Pilipino Star Ngayon

January 17, 2026 | 12:00am

ABALA si Vince sa pagwawalis sa kanyang bakuran nang batiin siya ng lalaki sa kabilang bahay na bagong lipat kahapon.

“Good morning!”

Nagulat si Vince.

“Hi! Good morning.”

“Ako si John—kalilipat lang namin kahapon.”

“Ako naman si Vince. Welcome John.”

“Salamat, Vince.”

“Okey naman dito sa subdivision natin. Tahimik. So far wala namang nangyaring hindi maganda rito.”

“Feel ko nga Vince. Saka napansin ko, walang tao sa kalye. Tahimik na tahimik. Hindi katulad sa dati naming inupahan na nagkalat ang tao sa kalye. Pati mga bata nasa kalye.”

“Oo John, wala kang makikita na nasa kalye.”

“Oo Vince—walang nagtsitsismisan, ha-ha-ha!”

“Walang marites ano?”

“Oo,’’ sagot ni John at humalakhak uli. “Dun sa pinanggalingan namin, ultimong ulam namin araw-araw, alam ng mga marites.”

Nagtawa si Vince.

Mukhang masarap kausap si John. Palagay niya, magiging magkaibigan sila ng bagong kapitbahay. Palakaibigan sa tingin niya si John.

“Kaya safe na safe kami rito ni Marie,’’ sabi ni John.

Nag-isip si Vince.

Bakit kaya safe sila?

Itutuloy