Ang Kapitbhay (36) | Pilipino Star Ngayon


Ronnie M. Halos — Pilipino Star Ngayon

February 23, 2026 | 12:00am

SA pagkakasilip­ ni Vince, ma­ligayang-mali­­­ga­ya si Teresa sa nangyayari sa ka­nila ng asawang si John. Ang ka­li­ga­yahan ni Teresa ay namalas ni Vince habang nasa ibabaw ng asawa—isang hindi matatawarang ka­ligayahan na matagal-tagal ding ipinagkait ni John. Nahumaling si John kay Marie na kung tu­tu­usin ay hindi naman kagandahan. Wala siya sa kaling­kingan ni Teresa na slim na slim ang katawan. Walang bilbil. Flat ng flat ang tiyan. Maga­ganda rin at tayung-tayo ang mga “papaya” ni Teresa. Hindi niya maintindihan kung ano ang nakita ni John kay Marie at ipinagpalit ang magandang si Teresa. Hindi kaya ginamitan ni Marie ng “gayuma” si John? Posible.

Muling sumilip si Vince sa awang ng pinto at nakita niyang tapos na ang “ritwal” ng dalawa. Magkatabi sa sopa ang mag-asawa at magka­yakap. Punumpuno ng pagmamahalan ang mga ito. Kitang-kita sa kanilang ngiti ang naganap na pagtatalik.

Ipinasya ni Vince na ta­pusin na ang panonood sa mag-asawa. Mabilis siyang lumabas sa bakuran ng bahay. Pumasok siya sa kanyang bahay at nag-abang ng mga bagong mangyayari. Pero ang tiyak niya, na ma­ganda na ang susunod na kabanata kina Teresa at John.

Makalipas ang isang oras, nakita ni Vince ang paglabas ng mag-asawa sa bahay. Magkahawak-kamay. Punumpuno ng pagmamahalan. Nag­ka­ayos na sila. Nalutas na ang problema. (Itutuloy)