October 11, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Pakay ng Ateneo de Manila Univesity na bumangon mula sa pagkakadapa pagharap sa host school University of Sto. Tomas sa UAAP Season 88 men’s basketball tournament sa Ateneo Blue Eagle Gym.
Maglalaban ang Blue Eagles at Growling Tigers ngayong alas-4:30 ng hapon pagkatapos ng banggaan ng Adamson Falcons at University of the East Red Warriors sa alas-2 ng hapon.
Nadungisan ang malinis na karta ng Ateneo nang lugmukin sila ng defending champion University of the Philippines, 69-83.
Tangan ang 4-1 record, kasalo ng Blue Eagles sa tuktok ng team standings ang National University, habang solo sa third spot ang UST na galing sa 111-99 pagdaig sa UE.
Sina Shawn Tuano, Kymani Ladi at Jared Bahay ang muling isasalang ng Ateneo katapat sina Nic Cabañero, Forthsky Padrigao at Collins Akowe ng Growling TIgers.