February 22, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Dahil bago na ang liderato, asahan na magkakaroon ng balasahan sa Department of Transportation (DOTr).
Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DOTr Secretary Vivencio “Vince” Dizon na mayroong mga papalitang opisyal sa DOTr, subalit mayroon din mga maiiwan dahil tatlong taon na lang ang natitira sa Marcos administration para isakatuparan ang mga mahalalagang proyekto at imprastraktura.
NIlinaw din ng Kalihim na may ilang mga papalitang Undersecretaries at may mga bagong papasok na aniya ay mga professional at hawak ang karanasan mula sa dating administrasyon.
“Yes there will be several new usecs that are coming in and it will be the Office of the President that will eventually announce their appointments. There’s no time to waste, so we really need to bring in people who have the experience and who are professionals,” paliwanag pa ni Dizon.
Mahigpit aniya ang bilin ni Pangulong Marcos na agad kumilos dahil maiksi na ang panahon at kailangang maibigay ang serbisyong dapat na matanggap ng mamamayan.
