Bangka lumubog: 3 nasagip ng Marines


MANILA, Philippines — Tatlo katao kabilang ang isang batang babae ang nasagip ng mga tauhan ng Philippine Marines makaraang aksidenteng lumubog ang sinasakyan nilang bangka sa karagatang sakop ng Bataraza, Palawan.

Sa report ng Joint Task Force Guardian  ng Philippine Marines, dakong alas-11:50 ng tanghali nitong Huwebes Santo nang magresponde ang mga sundalo nang maispatan ang papalubog nang bangka sa bahagi ng karagatan ng Bataraza, nasa 300 metro ang layo mula sa kanilang kinaroroonan.

Nagsasagawa ng maritime patrol ang mga  Marines nang mangyari ang insidente at magsimulang pasukin ng tubig ang nagkaaberyang bangka.

Agad nag-deploy ang tropa ng dalawang rigid hull inflatable boat na ginamit sa rescue ope­ration at nailigtas ang dalawang tripulante ng bangka at kasama nilang 8-anyos na batang babae. (