October 19, 2025 | 12:00am
UPANG maiwasan ang posibleng masamang paggamit ng mga itim na pusa, pansamantalang ipinagbawal ng bayan ng Terrassa, Spain, ang pagpapaampon sa mga ito.
Ang desisyon na ito ay batay sa babala ng mga animal welfare groups na tumataas ang mga adoption requests para sa mga itim na pusa tuwing papalapit ang Halloween para gamitin sa mga ritwal o gamitin bilang dekorasyon sa Halloween.
Ganundin upang maiwasan ang “posibleng panganib na nagmumula sa mga pamahiin, ritwal o iresponsableng paggamit”.
Mula Oktubre 1 hanggang Nobyembre 10, tatanggihan ng mga animal shelter ang anumang kahilingan para sa pag-ampon ng mga itim na pusa.
Nagbabala ang mga animal welfare groups na ang mga pusa ay maaaring saktan, patayin, o gamitin bilang mga props sa panahon ng Halloween rituals.
Babalik sa normal ang proseso ng pag-ampon pagsapit ng Nobyembre 11.
Mayroong mahigit 9,800 na pusa sa Terrassa, ayon sa municipal authorities.