Thirty years old na si Apol pero single pa. Wala pa siyang balak na mag-asawa. May maganda siyang trabaho. Nagsosolo siyang nakatira sa bahay na pinamana ng kanyang mga yumaong mga magulang. Dalawa silang magkapatid. Ang ate niya ay may sarili ring bahay at lupa. Bago namatay ang kanilang parents ay nakabili ng dalawang lote na pinamana sa kanila.
Pinatayuan ni Apol ng bungalow ang loteng namana. Tinaniman niya ng mga halaman sa paligid. Ang mga punong bayabas na dati nang nasa lote ay hindi na niya inalis. Sayang naman dahil namumunga na.
Masaya si Apol sa buhay na nag-iisa. Kuntento siya na walang inaasikaso at sarili lamang ang iniintindi.
Kapag Sabado at Linggo na walang pasok sa trabaho ay maghapon siyang natutulog.
Isang tanghali, habang nasa sopa at natutulog, nakarinig siya ng kaluskos sa bakuran. Bumangon siya at sumilip sa bintana. Nakita niya ang dalagita na nasa itaas ng bayabas at kinukuha ang bunga.
Nagmamadaling pumanaog si Apol at sinigawan ang dalagita.
“Huwag mong kunin ‘yan!”
(Itutuloy)