Bubot na Bayabas (126) | Pilipino Star Ngayon


Ronnie M. Halos — Pilipino Star Ngayon

November 21, 2025 | 12:00am

“Nakalaan kayong dalawa sa isa’t isa at nakikita ko na magiging maligaya kayo sa inyong pagsasama. Hindi kayo makakaranas ng mga mabibigat na problema gaya ng mga nangyayari sa mag-asawa,’’ sabi ni Tandang Santo.

“Maraming salamat po,” sabi ni Guava at nagmano kay Tandang Santo sa tindi nang nadamang kasiyahan sa sinabi ng matanda.

Nagmano rin si Apol at seryosong nagsalita.

“Kahit na po hindi ko malaman ang suwerteng darating sa amin ay okey lang po. Ang mahalaga sa akin ay magiging maligaya kami ni Guava sa buhay may-asawa. Yun po ang ma­halaga sa akin. Hindi na po baleng walang duma­ting na suwerte, ang mahalaga, maligaya kami ni Guava.”

“Tama ka Apol—mas ma­halaga sa lahat ang ma­sayang pagsasama ng mag-asawa. Pero hindi mo rin mapipigil ang pagdating ng suwerte. Dara­ting yun pero hindi ko masasabi kung ano at ka­ilan—kaya maghintay lang kayo.”

“Salamat po,” sabi ni Apol. “Wala na po kaming katanungan, Tandang Santo.”

Nagpaalam na sila sa matanda.

Agad din silang bumalik sa Maynila.

 

Nagplano na sina Apol at Guava sa kanilang pagpapakasal.

“Gusto ko, makasal na tayo, Guava.”

“Magplano na tayo.”

“Gusto ko nang makam­tan ang suwerte—at ikaw yun!”

Pinisil ni Apol ang palad ni Guava.

(Itutuloy)