November 25, 2025 | 12:00am
TINAWAGAN ni Apol ang kanyang Ate Ginger sa Canada. Nakatingin si Guava sa kasintahan habang pinipindot ang CP para sa video call. Excited si Guava na makausap at makita ang ate ni Apol.
“Ate Ginger, nasa tabi ko si Guava. Mag-usap na kayo.”
“Sige, Apol.”
Iniabot ni Apol ang CP kay Guava.
“Hi Guava,” sabi ng ate ni Apol.
“Hi Ate. Kumusta ka?”
“Mabuti naman, Guava. Tama ang sinabi ni Apol na maganda ka—napakaganda!”
“Salamat Ate. Ikaw din maganda.”
“Salamat Guava. Mahusay pipili si Apol.”
“Mahusay din po akong pumili Ate dahil napakabait at napakamaalalahanin ni Apol. Nang magkasakit ako, siya ang nag-alaga sa akin. Kaya sure na sure ako na siya ang una at huling lalaki sa buhay ko.”
“Mabuti naman at magkasundo kayo. Dasal ko na maging maligaya kayong dalawa.”
“Gusto na po namin na magpakasal.”
“Nasabi nga ni Apol sa akin.”
“Sana Ate narito ka sa kasal namin.”
“Oo, darating ako, Guava.”
Itutuloy