December 17, 2025 | 12:00am
“HINDI ka nagsasawa sa bayabas?’’ tanong ni Apol kay Guava makaraang ilagay niya sa plastic tray ang mga pinitas na manibalang na bayabas.
“Hindi Apol. Sarap na sarap ako.”
“Hindi kaya naglilihi ka na?”
“Ewan ko. Basta ang nararamdaman ko, gustung-gusto ko ang mga manibalang na bayabas. Masarap isawsaw sa asin.”
Dumampot si Apol ng isang manibalang na bayabas. Kinagat. Malutong. Matamis.
“Ang sarap nga, Guava.”
“Sabi ko nga sa’yo masarap!”
Kumagat pa nang kumagat si Apol sa bayabas. Hanggang maubos ang bayabas.
Dumampot pa siya ng isang bayabas sa tray.
“Masarap talaga. Isa pa nga!”
“Isawsaw mo sa asin para madama mo ang sarap ng bayabas.”
Ginawa ni Apol.
Masarap nga!
Isang umaga, habang nakaupo sa sopa si Guava, dumaing ito na nahihilo.
Nasa di kalayuan si Apol at nagti-text.
“Anong nararamdaman mo Guava?”
“Nahihilo ako, Apol.”
Itutuloy