Bubot na Bayabas (164) | Pilipino Star Ngayon


Ronnie M. Halos — Pilipino Star Ngayon

January 1, 2026 | 12:00am

Limang taon lamang ang kambal na sina Doro at Thea pero marunong nang bumasa at mag-compute. Mabilis silang ma­kaunawa sa mga bagay-bagay na nasa paligid. Matalas din ang pakiramdam ng dalawa. Kakaiba sa ibang bata nasa parehong edad.

“Matatalino ang anak natin, Guava. Nakakahanga!”

“Kanino kaya nagmana, Apol?”

“Baka sa akin, ha-ha-ha!”

“Baka nga.”

“Ayaw mong angkinin na nagmana sa iyo ang dalawa? Kasi ang alam ko, ang 80 percent daw ng talino ng mga anak ay nakukuha sa ina.”

“Talaga?”

“Ayon sa research na nabasa ko.”

“Sige na nga. Aangkinin ko nang sa akin nagmana ang dalawa, ha-ha-ha!”

“Bahagihan mo ako kahit 1 percent, ha-ha-ha!”

Nagtawanan ang mag-asawa.

Maya-maya seryosong nagsalita si Guava.

“Palagay ko, ang kambal ang magdadala sa atin ng suwerte, Apol. Medyo matagal ang pagdating ng suwerte sa atin, pero sure.”

“Ganyan din ang nararam­daman ko, Guava. Ma­ka­pag­hihintay naman ako—tayo.”

“Oo, Apol.”

 

Isang hapon, nagulat si Apol nang hindi makita ang kambal. Ang yaya ng mga ito ay may binili sa labas. Si Guaba ay nasa silid.

Hinanap ni Apol ang kambal sa labas.

Nagulat siya nang makita ang mga ito sa itaas ng bayabas. Lumabas si Guava at na­­gulat din sa nakita. Alalang-alala. (Itutuloy)