Bubot na Bayabas (26) | Pilipino Star Ngayon


Ronnie M. Halos — Pilipino Star Ngayon

August 11, 2025 | 12:00am

“KUNG ano ang gusto mong gawin sa bahay, bahala ka na Apol. Baka nga ibigay na namin sa iyo ang bahay sa Makati dahil hindi na kami babalik,’’ sabi ni Ginger.

“Akala ko noon e wala kayong balak mag-Canada?”

“Nagbago ang isip namin ng bayaw mo. Mas maraming opportunity dun kaysa rito. Dun maganda ang health care. Kapag nagkasakit ka libre sa ospital. Tutulungan ka rin ng gobyerno para makahanap ng trabaho.”

“Sabagay kanya-kanya naman tayo ng pananaw sa buhay. Pero ako, dito pa rin sa ako sa bayang sinilangan. Mas magiging masaya ako rito.”

“Ayaw mo talaga?”

“Ayaw ko!”

“Sige e di ikaw na nga ang bahala sa bahay namin. Gawin mong boarding house. Daming naghahanap ng mauupahang kuwarto.”

“Pero paano itong bahay ko—baka masira ito kung walang tao?”

“Palipat-lipat ka. Mas ma­buti nga kung gawin mong paupahan ang bahay namin. Ikaw na ang bahala.”

“Sige Ate.”

“Kailan ka ba mag-aasawa, Apol?”

“Hindi ko alam.”

“Baka tumandang bi­nata ka!”

“Hindi naman siguro.”

“Aalis na ako. Ikuha mo ako ng bayabas — ‘yung ma­­ni­balang ha.”

“Sige. Aakyat ako.”

Lumabas sila ng bahay. Umakyat sa puno si Apol at pumitas ng bayabas.

(Itutuloy)