Bubot na Bayabas (77) | Pilipino Star Ngayon


Ronnie M. Halos — Pilipino Star Ngayon

October 2, 2025 | 12:00am

“Bakit mo nasabi na may kasama ako rito, Guava?’’ nagtatakang tanong ni Apol.

“Nakalimutan kong sa­bihin sa’yo Apol na may third eye ako. May nakikita ako na hindi nakikita ng iba—tulad mo. May mga elemento akong nararamdaman.”

“Sino naman ang sina­sabi mong kasama ko rito?”

“Hindi ko masabi kung sino pero nararamdaman ko, Apol.”

“Masamang Espiritu ba sa palagay mo ang ka­sama ko rito?”

“Hindi.”

Naka­hinga nang maluwag si Apol.

“Ano ang gagawin ko ngayong may kasama pala ako rito?”

“Wala naman.”

“Hayaan ko lang?”

Tumango si Guava.

“Kailan mo nalaman na mayroon kang third eye Guava?”

“Nung 13-anyos ako.”

“Paano mo nalaman?”

“Nagpunta sa amin noon si Lola—nanay ni Papa. Nang nasa gaye siya at salubungin ko, may nakita akong tao na nasa likod niya. Akala ko, kasama ni Lola. Nang tanungin ko si Lola kung sino ang lalaking­ kasama niya, wala raw siyang kasama. Nag-iisa raw siya. Pero ipinilit kong meron. Tinanong ako ni Lola kung ano ang itsura ng lalaki. Sinabi ko. Na­gulat si Lola sa sinabi kong des­cription. Panganay na kapatid daw niya iyon. Pero matagal na raw patay ang kapatid niyang iyon. Noon nagsimula ang lahat.”

(Itutuloy)