MANILA, Philippines — Isa si dating Deputy Speaker at sportsman Mikee Romero sa 39 senior officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na opisyal na kinumpirma ng Commission on Appointments ang promotions.
Tumaas ang ranggo ni Romero, nakumpleto ang tatlong termino bilang 1Pacman representative sa Congress, sa full colonel sa Philippine Air Force Reserve na magbibigay sa Association of Reservist and Reservist Administrators of the Philippines ng mas mataas na kapangyarihan para ipursige ang misyon sa mga probinsya.
Si Romero ang namamahala sa ARRAPI na aktibong sumusuporta sa mga proyekto ng AFP kung saan ang pinakahuli ay ang Last Mile Medical Health Donation initiative sa Tawi-Tawi.
Siya rin ang nagsisilbing ‘driving force’ sa pagpapalakas sa reservist corps bilang isang strategic component ng depensa ng bansa.
Sa tulong ni Romero ay naging laging handa ang ARRAPI, may higit sa 5,000 members sa buong bansa, na magbigay ng suporta para sa disaster response at humanitarian assistance.
Ngunit bilang tunay na sportsman, hangad ni Romero na makapagdala ng kasiyahan sa mga pinakamalalayong pamayanan sa bansa sa pamamagitan ng pagdo-donate ng mga sports equipment at nalalapit na paglulunsad ng ilang sports events.
“That will be part of my mission, sports can unite the nation because of the joy and thrill it can bring,” wika ni Romero. “After civil-military operations, we can introduce sports and give disaster victims little enjoyment.”
Isa sa pinakamahalagang aspeto ng pagiging miyembhro ni Romero sa Congress ay ang pagtayo bilang primary proponent ng legislation na nagbigay kay Ginebra resident import Justin Brownlee ng Filipino citizenship noong 2023.
Isang world-ranked polo player, tinulungan din ni Romero na mapursige ang AFP Modernization Program at sinuportahan ang mahalagang air mobility acquisitions, kabilang ang pagbili sa tatlong C-130J aircraft.
