Bubot na Bayabas (84) | Pilipino Star Ngayon


Ronnie M. Halos — Pilipino Star Ngayon

October 9, 2025 | 12:00am

Ginising ni Apol si Guava makaraan ang apat na oras. Paiinumin niya ng gamot.

“Kumusta ang pakiram­dam mo, Guava?”

“Masama pa rin, Apol.”

“Eto uminom ka uli ng gamot. Bakasakali mawala na ‘yan, pagkagising mo.”

Ibinigay ni Apol ang gamot.

Isinubo ni Guava.

Ibinigay ni Apol ang baso na may tubig.

Uminom si Guava.

“Salamat Apol.”

“After four hours, paii­numin uli kita.”

Tumango si Guava at ipinagpa­tuloy ang pag­tulog.

Mara­hang lumabas si Apol sa kuwarto.

Nanood siya ng TV sa salas.

Pero hindi niya maintindihan ang pinanonood. Nagbigay sa kanya ng isipin ang kalagayan ni Guava.

Bakit kaya biglang nagkasakit si Guava?

Hindi kaya kagaga­wan ng “kasama” niya sa bahay?

Ayon kay Guava, may kasama siya rito sa bahay.

Nakita ni Guava dahil may third eye ito.

Napabuntunghininga si Apol.

Pinatay niya ang TV.

 

Nakaidlip si Apol. Kailangang painumin niya ng gamot si Guava.

Tinungo niya ang kuwarto.

Sana humupa na ang lagnat ni Guava.

Nahihirapan siya sa kalagayan ni Guava.

(Itutuloy)