Knock, knock… | Pilipino Star Ngayon


PRESS ROW — Abac Cordero — Pilipino Star Ngayon

October 8, 2025 | 12:00am

May kumakatok sa pinto ng PBA at ng Philippine team para sa 33rd SEA Games sa Thailand sa December.

Seven-footer.

Yes, nagpahiwatig si Greg Slaughter na balak ni­yang bumalik sa PBA matapos siyang mawala sa eksena noong 2021.

After Ginebra, lumipat sa NorthPort si Slaughter bago sumibat. At dahil nabenta ang NorthPort sa Pure­blends Corp., ito ang may hawak ng rights niya.

Kaya kung gustuhin siyang kunin nitong new PBA team, dehins mahirap.

Matapos magpahinga, naglaro si Slaughter sa Japan ng halos two seasons bago nauwi sa MPBL – sa Manila at Basilan.

Ang dehins ko alam eh, bakit sa maikling panahon, naka-dalawang teams na si Slaughter sa MPBL.

Mahirap ba kausap?

Pero bago natin isipin ‘yan, nagsabi rin si Slaughter na gusto niyang maglaro sa SEA Games kung saan defending champion ang Pilipinas.

Si Norman Black ang coach natin sa SEA Games.

Siya rin ang coach ng Philippine team sa nasabing torneyo noong 2011 at kabilang si Slaughter sa lineup.

Kaya sa tingin niya, welcome siya kay coach Nor­man.

Ngayon pa na kumahog si coach humanap ng mga players dahil nag-untugan ang schedules ng SEA Games, PBA, UAAP at NCAA.

Tingnan natin kung ano ang mangyayari.

Depende sa usapan ’yan.