Cardinals at Blazers muling magbabardagulan


Russell Cadayona — Pilipino Star Ngayon

November 4, 2025 | 12:00am

MANILA, Philippines —  Muling magtutuos sa unang pagkakataon ang nagdedepensang Mapua University at College of St. Benilde sa crossover eli­minations ng Season 101 men’s basketball tournament sa Rizal Memorial Co­liseum sa Manila City.

Maghaharap ang Cardinals at Blazers nga­yong alas-11 ng umaga sa kanilang finals rematch.

Ito rin ang unang pag­kakataon na muling mag­lalaro ang NCAA sa Rizal Memorial Coliseum matapos noong 2006.

Nagmula ang Cardinals sa 85-78 panalo sa Emilio Aguinaldo College Gene­rals (4-5) na tumapos sa ka­nilang three-game losing slump.

Kumamada si Clint Es­camis ng kumpletong 20 points, 4 re­bounds, 4 assists at 2 steals para sa ka­nilang 4-4 baraha sa Group A.

Nanggaling din sa 70-67 pa­nalo ang Blazers (5-3) laban sa Lyceum of the Philippines University Pirates.

Sa ikalawang laro sa alas-2:30 ng hapon maghaharap ang San Beda Red Lions (6-2) at Pirates (1-7).

Hangad ng San Beda na makabangon mula sa 85-88 triple overtime loss sa University of Perpetual Help System DALTA (8-1).