January 9, 2026 | 12:00am
ATIMONAN, Quezon, Philippines — Namatay ang chief engineer ng isang barko matapos na madulas at mabagok ang ulo sa sahig habang nagsasagawa ng inspeksyon sa engine room ng isang barko sa Atimonan Port, na sakop ng Barangay Zone 1 sa bayang ito, kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si “Franklin”, 72,may-asawa at residente ng Barangay Siko, Lipa City.
Base sa imbestigasyon ng Atimonan PNP, bandang alas-10:35 ng umaga ay nagtungo sa LCT Raphael Matteo Ship na nakadaong sa Atimonan Port ang biktima upang mag-inspection.
Gayunman habang naglalakad sa loob ng barko ay nadulas ang biktima at bumagok ang ulo.
Agad siyang isinugod sa ospital ngunit idineklarang dead-on-arrival.