Pilipino Star Ngayon
November 27, 2025 | 12:00am
LOS ANGELES — Kumolekta si Luka Doncic ng 43 points, 13 assists at 9 rebounds para gabayan ang Lakers sa 135-118 pagpapabagsak sa Clippers.
Nag-ambag si LeBron James ng 25 markers habang may 31 points si Austin Reaves para sa pang-limang sunod na ratsada ng Lakers at pang-11 sa huli nilang 13 laro.
Ito ang ikatlong sunod na laro ng 40-anyos na si James na nasa kanyang NBA record na ika-23 seasons.
Kumamada siya ng 16 points sa first half kung saan sila nakawala sa Clippers (5-13) na nakahugot kay James Harden ng 29 points at may 19 markers si Kawhi Leonard sa kanyang ikalawang laro matapos ang 10-game injury absence.
Nagkaroon ng girian sa laro nang masibak si Clippers guard Kris Dunn sa 3:33 minuto ng laro matapos isalya sa sahig si Doncic.
Kinompronta ni Doncic si Dunn na inihagis ang bola sa dibdib ng playmaker bago itulak ni Lakers center Jaxson Hayes ang Clippers guard.
Sa Washington, nagpasabog si CJ McCollum ng mga season highs na 46 points at 10 three point shots para sa 132-113 pagpulutan ng Wizards (2-15) sa Atlanta Hawks (11-8).
Sa Philadelphia, kumamada si Anthony Black ng career-high 31 points at may 21 makers si Franz Wagner sa 144-103 pagbugbog ng Orlando Magic (1-8) sa 76ers (9-8).
