Coming soon | Pilipino Star Ngayon


PRESS ROW — Abac Cordero — Pilipino Star Ngayon

August 20, 2025 | 12:00am

See you in December.

‘Yan ang pahayag ni Manny Pacquiao matapos ang maikling family vacation sa Italy.

Walang wala. Gusto magpahangin, sa Italy pumunta.

Well, why not? Eh paldo si Papa. Ang balita, kumita ng mga $12 million si Pacman sa last fight niya.

Para na rin nanalo.

In fact, tumaas ulit ang market value ni Pacquiao dahil sa edad na 46, maganda pa rin ang pinakita niya.

Imagine, certified world champion ang kalaban at 30 years old. Ang sabi ng iba, dehins tatagal si Pacquiao.

Mauubusan daw ng hininga. Kakapusin. Matatalo. Masasaktan.

Pero none of the above.

Kinabukasan ng laban, panay pa ang shadow boxing. Tumakbo pa paakyat ng hagdanan sa hotel. Ganado.

Ngayon, sino ang lalabanan? ‘Yan ang tanong. Pwede ang rematch kay Barrios. Baka bilhin ng tao.

Pwede rin naman ang ibang siga sa 140 to 147 pounds gaya nila Rolly Romero, Gervonta Davis or Ryan Garcia.

May lumabas na video ng training ni Erik Morales, ang 48-year-old na nilabanan ni Pacquiao ng tatlong beses.

Gusto rin yata lumaban.