January 9, 2026 | 12:00am
MANILA, Philippines — Hinikayat ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na gustong magkaroon ng “passive income” ay mag-invest sa pag-usbong ng Condotel trend.
Nabatid na next level ngayon ang real estate market ng Tagaytay at nangunguna sa new wave ng leisure-investment ang Tagaytay Clifton Resort Suites (TCRS) ng CitiGlobal Realty and Development, Inc.
Sa isinagawang Grand Sales Launch kamakailan binigyang-diin ni Ms. Elizabeth To, CEO ng CitiGlobal, na ang TCRS ang “susunod na smart move lalo na para sa mga OFW na naghahanap ng matatag at pangmatagalang investment.”
Nabatid na sa patuloy na paglakas ng turismo at lumalawak na pangangailangan para sa passive income,nagiging mas kaakit-akit ang condotel model para sa maraming Pilipino, lalo na sa mga nagtatrabaho sa abroad.
Ayon kay Ms. To, mabilis ang pagtaas ng demand para sa resort-style living na malapit sa Metro Manila,kaya’t ang TCRS ay dinisenyo upang dalhin ang vacation ambiance sa mismong tahanan.
Ito ang ginagarantiyahan ng TCRS sa pamamagitan ng managed hotel operations, na nagbibigay-daan sa unit owners na kumita ng passive income nang hindi nila kailangang hawakan ang operasyon.
Hindi lamang investors ang nakikinabang sa proyekto kundi sa mga residente ng Alfonso, Cavite.