Dekalidad ng punla… garden eats


Ngayon araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang maaliwalas at napaka-organized na garden na mayroong dekalidad na punla ng iba’t ibang green leafy vegetables at fruit bearing trees sa Silang Cavite.

Ang aking tinutukoy ay ang Garden Eats na makikita sa Ilayang Pulo, Brgy. Iba, Silang Cavite na pag-aari ni May M. Isidro.

Siya ay isang single mom na may tatlong anak. Ang panganay ay graduating na sa kolehiyo, ang pangalawa ay 2nd year college at ang bunso ay senior high school na.

Maraming trabaho ang pinasukan ni May para itaguyod ang kanyang pamilya at mabigyan ng magandang edukasyon at kinabukasan ang kanyang mga anak.

Nag-call center, nagtrabaho sa opisina at iba pa hanggang maisipang magtanim ng iba’t ibang uri ng gulay si May.

“I did gardening since 2012 at hindi madali ang aking na-ging journey, kailangan talaga ang sipag, tiyaga at matibay na pananampalataya sa Dakilang Lumikha,” ani May.

Sa tulong at ga-bay ng Panginoon ay unti-unting napalago ni May ang kanyang negosyo sa paghahalaman, mula sa dating isang puwesto ngayon ay dalawa na may sukat na 1,000 sqm ang isa habang ang ikalawa ay 600 sqm.

“In our area, our struggle during summer is water supply. Kapag tag-ulan naman ay ang pagkalusaw ng tanim due to excessive water,” aniya.

“My solution to my struggle in the summer, is that i built a pond for storing water for my garden. Sa tag-ulan naman ay nagpagawa ako ng greenhouse,” pahayag pa ni May.

Marami nang suki si May na mga magsasaka, small, medium at large scale kung magtanim.

Binabalik-balikan siya dahil garantisado at maganda ang kalidad ng kanyang mga punla.

“I produce vegetable seedlings that are ready for transplant. I propagate bougainvilleas, strawberries. I have potted kalamansi for kitchen use. Vertical garden for my leafy greens, and frog grass for land escaping,” sabi ni May.

Payo ni May sa mga nagpaplano na pasukin ang negosyo ng paghahalaman ay dapat pasensiyoso.

Sinabi niya niya na maraming benepisyo ang kanyang nakukuha sa paghahalaman.

“Nakaka-relax, it keeps me grounded-connects with mother nature, at the same time nakaka-save sa food cost ‘pag nakaplano ng mabuti ang produce and you have the intention to really save on food cost, also you know what is in the vegetable that you and kids are consuming,” sabi pa ni May.

Kaya sa mga naghahanap at nagnanais makabili ng magandang kalidad na punla ay may available sa Garden Eats tulad ng talong, kamatis, red hot sili at panigang; green lettuce, pakchoi, pechay, mustasa, ornamental plants, herbs, fruit trees at iba pa.

Binanggit ni May ang halaga na murang-mura na Php 250 per seedling tray na may lamang 128 pcs.

Puwede po ninyong tawagan or i-text si May sa 09056655679.

“For pick up, waze Whistling Wind Garden Eats for directions.

We also do shipping thru Lalamove/LBC,” aniya.

Ngayong Linggo, October 12, 2025 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay May sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hang-gang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa organikong pamamaraan.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group of Publications.

Nitong nakalipas na June 20, 2025  ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Excellence in Media Agriculture and Community Empowerment ng Global Filipino Achievers Awards sa Sydney Australia.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197.

STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.