Diaz excited sa weightlifting sa Palarong Pambansa


LAOAG CITY, Ilocos Norte, Philippines —  Bukod sa mga student-athletes ay isa rin si Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz sa nasasabik sa opisyal na pagsisimula ngayon ng mga aksyon sa 65th Pala­rong Pambansa dito.

Si Diaz at ang kanyang asawang si Julius Naranjo kasi ang tatayong tournament director ng weightlif­ting na isang demonstration event sa taunang sports meet.

“Dream come true kasi nga for how many years pinapangarap ko ito, and hindi lang ako pero lahat ng nasa weightlifting community na ma-include itong weightlifting sa Palarong Pambansa,” ani Diaz na binuhat ang kauna-una­hang Olympic gold ng bansa sa Tokyo Games noong 2021.

Tig-10 weight divisions ang nakalatag sa weightlif­ting competition na idaraos sa Laoag Central Elementary School.

Samantala, 12 gintong medalya ang pag-aagawan sa Day One ng athle­tics event sa Ferdinand E. Marcos Memorial Stadium Track and Field.

Unang paglalaba­nan ang secondary girls’ 3,00-meter run.

Sa kanya namang talumpati sa makulay na opening ceremonies noong Sabado ng gabi ay hinika­yat ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang higit sa 15,000 student-athletes na magpursige para sa kanilang pangarap.

“Tandaan ninyo, ang taong lumalaban, hindi natatalo,” sabi ng Pangulo. “Losers are those who fail to try, and maybe they fail, but then try again and do not stop trying until they win and succeed.”