Enero 14, 2026 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

January 14, 2026 | 12:00am

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Huwag malito sa mga payo na maririnig. Sundin ang nararapat at pag-isipan ng mabuti ang ibubunga sa gawain. Sa pag-ibig, ang hindi pagkakaunawaan ng magkasintahan ay mauuwi sa pagkaputol ng relasyon. Lucky numbers at color for the day ang 4, 19, 27, 34 at yellow.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Ang payo ng higit na nakakaalam ay mahalaga. Kung balak na bumukod, ngayon ang tamang araw. Lucky numbers at color for the day ang 9, 25, 33, 39 at jade green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Iwasan ang laging nakasandal sa mga detalye, humanap ng sariling ideya. Magdesisyon ng tiyak. Lucky numbers at color for the day ang 2, 19, 26, 33 at cherry red.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – May mga matinong paraan kung papaano kikita nang hindi labag sa batas, kung pagsikapan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 26, 36, 45 at jade green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Kung sadyang kapos sa pera, walang masama kung magsabi ng totoo sa kinauukulan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 27, 35, 39 at lemon green.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) –  Makakaramdam ng kirot at pananakit ng balakang. Pero huwag mabahala, dulot ‘yan pagbabago ng panahon. Lucky numbers at color for the day ang 19, 25, 34, 40 at orange.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Matataranta dahil halos sabay-sabay na magsusulputan ang problema. Relax lang. Malalampasan mo ‘yan. Lucky numbers at color for the day ang 14, 27, 31, 35 at brown.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Anumang planong gawin, dapat ituloy para anihin ang tagumpay. Nasa tamang landas ng kaunlaran. Lucky numbers at color for the day ang 10, 34, 35, 39 at honey yellow.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Tamang panahon sa paglilinis ng bahay at kapaligiran. Ilagay sa budget ang anumang gastusin. Lucky numbers at color for the day ang 5, 22, 34, 38 at amethyst.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Maaaring magdulot ng sama ng loob ang kaibigan. Sensitive ang isang kapamilya. Unawain siya. Lucky numbers at color for the day ang 12, 16, 40, 42 at white.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Magiging balanse ang oras sa lahat ng bagay. Walang magiging suliranin sa trabaho at pamilya. Lucky numbers at color for the day ang 3, 11, 33, 42 at violet.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Ang kalusugan ay humihingi ng karagdagang pansin kung may nararamdaman, magpahinga muna. Lucky numbers at color for the day ang 17, 21, 32, 37 at baby pink.