Enero 6, 2026 | Pilipino Star Ngayon


Madam Rosa — Pilipino Star Ngayon

January 6, 2026 | 12:00am

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Magtatagumpay sa nilalakad o lalakarin kung sa umaga gagawin. Magaan ang pasok ng pera sa negosyo. Ang daloy ng komunikasyon ay mabilis at may mga magandang balita na matatanggap. Lucky numbers at color for the day ang 2, 13, 29, 41 at orange.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Malakas at buo ang tiwala sa sarili at positibo ang isip sa mga gagawin. Nasa tamang landas ang kasaganahan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 14, 35, 38 at light gray.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Ang mag-relax ay malaking bagay para manumbalik ang enerhiya nang kasiglahan. Gawin ito. Lucky numbers at color for the day ang 8, 22, 34, 42 at sky blue.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Ang tunay na kaibigan ay makikilala kung nasa gipit na kalagayan. Ngayon mo matutukoy kung sino siya. Lucky numbers at color for the day ang 10, 12, 18, 33 at jade green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Huwag magmadali. Hintayin ang tamang oras at  pagkakataon para sa gustong mangyari. Lucky numbers at color for the day ang 11, 18, 36, 41 at magenta.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Dagdagan ang tiyaga at panalangin nang makaiwas sa bulilyaso dahil nasa linya ng maraming pagkakamali. Lucky numbers at color for the day ang 1, 14, 24, 43 at sky blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Nasa kasiglahan ka at handang harapin ang anumang gawain. Magiging masayahin na ikagugulat ng marami. Lucky numbers at color for the day ang 2, 10, 29, 31 at cream.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Alam mo na tama ka, huwag makialam sa desisyon ng iba. Harapin mo ang sariling problema. Lucky numbers at color for the day ang 15, 17, 22, 40 at purple.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – May mag-aalok ng trabaho pero pag-isipan muna, timbangin ang kabutihang idudulot. Manalangin. Lucky numbers at color for the day ang 16, 21, 31, 42 at maroon.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Anumang uri ng paanyaya ay dapat tanggihan. Kung may balak na maglakbay dapat ipagpaliban. Lucky numbers at color for the day ang 5, 16, 22, 45 at pink.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Ang pag-ayos ng tahanan ang mapagtutuunan ng pansin. Mag-relax din kapag may time.Lucky numbers at color for the day ang 5, 12, 28, 38 at yellow.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Malamang manghihiram ng pera ang isang kaibigan. Pero dapat itong tanggihan dahil hindi ka babayaran. Lucky numbers at color for the day ang 7, 16, 24, 30 at white.