January 7, 2026 | 12:00am
LUMIPAS pa ang mga taon, may edad na sina Apol at Guava. Nasa U.S. sina Doro at Thea at nagtatrabaho sa malaking kompanya. Wala pang pamilya ang mga ito. Dahil hindi makauwi sa Pilipinas, sina Apol at Guava ang dumadalaw sa kambal.
Ilang buwan silang tumitira roon. Pero dahil masyadong malamig, hindi na nila kaya kaya sa Pilipinas pa rin humahantong.
Ipinagpagawa sila ng mga anak ng bahay bakasyunan sa Tagaytay. Ang luma nilang bahay sa Quezon City ay hindi pinababayaan ni Apol. Kapag Sabado at Linggo ay naroon sila ni Guava. Ang puno ng bayabas sa bakuran ay buhay na buhay pa. Patuloy sa pagbunga.
Kapag nag-uusap ang mag-asawa, binabalikan nila ang nakaraan.
Minsan naitanong ni Apol kay Guava: “Hindi mo na ba napapanaginipan ang babaing nagbigay sa iyo ng tsinelas?”
Sagot ni Guava: “Matagal nang panahon Apol. Wala na sila—pati ang dalagita.”
Itutuloy