Food Security…Green Raizer Hydroponics Farm


Ngayon araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang isa pang napakagandang green house na pag-aari ng isang dating Overseas Filipino Worker (OFW), na nagsusulong ng food security sa ating bansa sa pamamagitan ng pagtatanim ng sariling pagkain.

Ang aking tinutukoy ay ang Green Raizer Hydroponics Farm na pag-aari ni Renan Bautista Seperidad, isang grower at Green House Builder na makikita sa  385 R. Seperidad St., Barangay Langkaan 1, Dasmarinas Cavite.

Si Renan ay nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Computer Engineer, dating Maintenance Technicial sa Berain Water Factory sa Kingdom of Saudi Arabia noong 2015 hanggang 2020.

Nagsimula si Renan sa Hydroponics method of farming noong December 2020, na kasagsagan ng pandemic na Covid 19.

“That time ayaw ko na bumalik sa Saudi kaya nag put up ako ng small scale hydroponic farm.

Pagbaba ko eroplano at nang makarating ako sa quarantine area, nag-isip ako kung ano maganda simulant na business since pandemic naman,” ani Renan.

Sabi ni Renan, dahil sa pandemic ay naisip niya ang primary needs ng tao ay pagkain, kaya siya ay nagtanim ng gulay sa kanyang ginawang greenhouse.

Aniya, noong una ay marami siyang pagsubok na pinagdaanan sa pagtatanim pero hindi siya sumuko.

“Sa tag-init, andon na ‘yung magkakaroon ng tip burn, sa tag-ulan naman fu-ngus ang kalaban,” sabi ni Renan.

Patuloy na nagsaliksik at nag-aral si Renan sa Youtube University.

“Maraming paraan para masolusyunan lahat ng struggles sa greenhouse,” aniya.

Sinabi ni Renan, ang isa sa unang napanood niya sa Youtube University ay ang mga video tutorial ng Magsasakang Reporter.

Aniya, try and try until you succeed. If you fail you learn, if you succeed, you earn.

Sa ngayon ay kumikita na si Renan sa kanyang mga tanim na green leafy vegetables at mga fruit bearings sa loob ng greenhouse.

Bukod sa fresh lettuce ay gumagawa na rin si Renan iba’t ibang vegetables sa-lad na kanyang sinusupply sa kanilang mga suki sa palengke.

Binuksan na rin ni Renan para sa kanilang mga suki ang pick and pay method kaya mabilis na napapaubos ang mga ready to harvest nilang tanim at unti-unti na ring lumalaki ang kanilang kita.

“Sa ngayon ay enjoy ako dahil kumikita na, kasama ko pa ang aking mahal na pamilya.

Hindi tulad nang dati, kailangan ko pang magtrabaho sa ibang bansa para kumite,” aniya.

Bukod sa pagiging grower ay greenhouse builder na rin si Renan.

“Sa mga gustong magsimula ng ganitong business, hindi kailangan ng malaking puhunan para kumita ka, basta matiyaga at masipag ka ay uunlad ka,” sabi pa ni Renan.

Aniya sa pagtatanim ay nalilibang ka, at the same time kumikita ka at nakakakain ng alam mong malinis at walang halong kemikal ang iyong pamilya.

Sa mga gustong tumangkilik sa produkto ni Renan at nais magpagawa ng green-house ay i-text ninyo siya sa 09163984091.

Sabihin lang po ninyo na nabasa ninyo sa kolum ng Magsasakang Reporter ang kanyang journey sa paghahalaman.

Hinihikayat ni Renan ang lahat na magtanim na rin ng kanilang sariling pagkain sa kanilang bakuran.

Ngayong Linggo, January 11, 2026 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Renan sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8-00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng PhilStar Media Group.

Nitong nakalipas na June 20, 2025 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Excellence in Media Agriculture and Community Empowerment ng Global Filipino Achievers Awards sa Sydney Australia.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197.

STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.