January 7, 2026 | 12:00am
CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Magiging masaya ang pamilya sa mga binabalak. Matutupad mo ang ipinangako, kaya lalo kang magiging derterminado. Isang sorpresa ang tatanggapin mula sa ma-lapit na mga kaibigan o kamag-anak. Huwag kalimutang magpasalamat. Lucky numbers at color for the day ang 4, 17, 22, 30 at pearl.
AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – May secret admirer ka. May hatid siyang saya sa’yo. May pakinabang ang nilalakad na transaksyon. Lucky numbers at color for the day ang 4, 5, 10, 12 at platinum.
PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Mapapaunlad ang pakikipag-ugnayan kung pagsisikapan. Ang pakikipag-“eyeball” ay kailangan ipagpaliban. Lucky numbers at color for the day ang 9, 14, 19, 27 at sun yellow.
ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Mag-ingat sa labis na pagkagiliw sa pagkaing matatamis, mamantika at maaalat. Ingatan ang health. Lucky numbers at color for the day ang 1, 7, 21, 29 at gernet red.
TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Matutong makibagay at makiisa sa iyong mga kasamahan. New romance ang darating. Kaya happy ka. Lucky numbers at color for the day ang 2, 8, 27, 30 at dollar green.
GEMINI : (May.21-Hun. 21) – Kailangan na mapaglabanan ang kalituhan. Huwag magpadalusdalos at huwag magpatangay sa emosyon. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 11, 27 at fire red.
CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – May mahigpit na karibal ka sa iyong crush. May malaking pag-asa na ikaw ang pipiliin niya. Pairalin ang hinahon. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 19, 23 at violet.
LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Wala dapat panghinayangan sa mga mangyayari. Hangga’t maaga ay magising ka na sa katotohanan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 15, 18, 24 at aquamarine.
VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Sa isang pagkadulas ng dila ay maaari kang makasakit ng damdamin ng kapwa, kaya ito ang dapat bantayan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 15, 19, 34 at crimson.
LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) – Magiging ordinary ang takbo ng araw. Isang matalik na kaibigan ang magbibigay kulay sa araw mo. Lucky numbers at color for the day ang 4, 7, 22, 25 at electric blue.
SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Kung may problema, madaling mahahanapan ng solusyon. It’s time na sarili naman ang asikasuhin. Lucky numbers at color for the day ang 3, 4, 14, 31 at mahogany brown.
SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Ang pamamalagi sa tahanan ay magbibigay ng kasiyahan. Ang labis na pagpupuyat ay tantanan na. Lucky numbers at color for the day ay 6, 10, 17, 26 at orange.