Epekto sa Pilipinas ng giyera sa Iran


ANG layo ng Iran sa Pilipinas ay 7,250 kilometers. Pero tatlo ang matinding epekto sa atin ng giyera roon.

Oil producer ang Iran. Dahil sa sigalot hihinto ang pro­duksyon nito. Magkaka-shortage ng petrolyo sa mundo. Dahil sa law of supply and demand, sisipa ang presyo ng gasolina, diesel, kerosine, bunker oil, aviation fuel, natural gas, at liqui­fide petroleum gas.

Magmamahal din ang kuryente sa generators na guma­gamit ng bunker oil at diesel. Malamang magtaas ng pasahe sa jeepney, bus, tricycle, taxi, at ride hailing. Magmamahal din ang ticket ng eroplano. Kapag nagmahal ang pasahe, mag­mamahal din ang mga produkto at serbisyo. Spiral effect ang tawag dito.

Apektado rin ang Filipino workers sa Iran at mga kakampi at kalaban nito. Papanig sa Iran ang Houthis sa Yemen, Hez­bollah sa Lebanon, Hamas sa Palestine, Taliban sa Afgha­nistan, at al-Qaeda at Islamic State mula sa mga gob­yer­nong Islamists. Kukuyugin nila ang Israel at Amerika. Mapipilitang lumisan ang mga Pilipino doon. Dadami ang walang hanap­buhay.

Sasamantalahin ng China ang sigalot. Dahil alam niyang abala ang Amerika sa Iran, titindi ang pam-bubully ng China Communist Party sa West Philippine Sea. Lalo silang mang-aagaw ng mga bahura at mang-aagaw ng mga isda. Maba­bawasan ang dati nang kapos na pagkain ng Pilipino. Pero lalaki ang gastos ng gobyerno sa depensa.

“Axis of evil” ang tawag sa Iran, China, Russia, at North Korea. Naniniwala ang apat na sila ang tagapagligtas ng mundo kontra sa Kanluraning kaisipan. Nais daw nila palayain ang mahihirap na bansa mula sa kuko ng imperyalistang Ame­rika, Europe, Canada, Australia.

Walang panahon umanib ang Pilipinas kanino man. Mag­kukumahog tayo sa karalitaan at gutom.

***

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM)