January 20, 2026 | 12:00am
Dear Dr. Love,
Magandang araw po. Humihingi po ako ng payo dahil hanggang ngayon ay may galit pa rin akong nararamdaman.
May nagustuhan po kaming babae ng kaibigan ko. Sa halip na maging patas at maayos, nauwi ito sa pasikatan—pabonggahan ng effort, pagpapapansin para patunayan kung sino ang mas deserving.
Dahil dito, nagkaroon ng selosan, parinigan, at sumbatan. Sa sobrang inis at galit, may mga salitang nabitawan na hindi na mababawi, hanggang sa tuluyan nang nasira ang aming pagkakaibigan.
Masakit po dahil hindi lang babae ang nawala, kundi pati ang isang kaibigan na matagal kong pinahalagahan.
Hanggang ngayon, dala ko pa rin ang galit at sama ng loob. Gusto ko na po makakawala sa pakiramdam na ito. Paano ko po ba haharapin ang galit na ito?
At paano ko malalaman kung alin ang dapat kong bitawan—ang feelings o ang pagkakaibigang nasira?
Michael
Dear Michael,
Mahalagang tandaan na ang tunay na pagmamahal ay hindi paligsahan. Kapag ginawang pasikatan ang panliligaw, kadalasan ay ego ang nananalo, hindi pag-ibig.
Mas matimbang ang pagkakaibigan na sinubok na ng panahon kaysa sa feelings na sa maraming pagkakataon ay pananda-lian lamang. Kung may nasirang ugnayan sa pagitan ninyo ng iyong kaibaigan. Hindi pa naman huli ang lahat para maayos ito.
Dapat lang na simulan sa pagpapakumbaba at paghingi ng tawad. Mahalagan na gawin ito nang may buong sinseridad.
Ang pag-ibig na totoo ay marunong umatras kung may masasaktan—at maru-nong maghintay kung kailangan. Naniniwala ako kung kapwa ninyo mare-realize ng iyong kaibigan ang halaga ng inyong pagkakaibigan, hindi malayong manumbalik ito at lalo pang mas magiging makabuluhan sa pagitan ninyo. Walang mawawala kung susubukan mo.
DR. LOVE