September 15, 2025 | 12:00am
MANILA, Philippines — Kasama na rin ang flood control projects sa La Union sa iimbestigahan ng House InfraComm.
Ito ay matapos makipagpulong si Baguio City Benjamin Magalong sa mga residente ng La Union.
Una rito, inanunsyo ng Malakanyang na magsisilbi si Magalong na special Adviser ng binuong Independent Commission for Infrastructure.
Nabatid na hiniling ng mga residente kay Magalong na isama sa imbestigasyon si La Union 2nd District Rep. Dante Garcia para alamin kung may mga sub-standard at ghost projects sa lugar.
Binigyan ng mga residente at mga political leaders si Magalong ng mga dokumento bukod pa sa mga dokumento na isinumite sa “Sumbong sa Pangulo” website.
Kabilang sa mga isinumite ng mga residente ang expose ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na P1.6 billion funds sa flood control sa La Union.
Kabilang sa mga flood control projects ay sa mga bayan ng Tubao, Bauang, Naguilian, Caba, Pugo, Agoo, Aringay, at Bagulin.
Ayon sa Progressive Youth of La Union na mayroong construction materials tulad ng sand and gravel si Garcia sa kanyang compound sa Tubao town.
Una rito, naghain ng kasong graft ang naturang Youth group laban kay Garcia sa Ombudsman.