Ito ang game ko! | Pilipino Star Ngayon


PRESS ROW — Abac Cordero — Pilipino Star Ngayon

September 14, 2025 | 12:00am

Sa Las Vegas ginanap this week ang annual PBA board meeting, kabilang ang commissioner, chairman at representatives ng 12 teams.

Alang-ala. Sa Las Vegas pa nag-meeting. Pero ka­gawian na ‘yan ng PBA board na sa abroad ang annual board meeting.

Well, wala naman masama kahit sa Paris or saan man na mamahaling lugar sila mag-meeting.

Private entity ang PBA. No taxpayers’ money ang ginastos. Hindi gobyerno ang sumagot ng bill.

Kaya in short, no problem.

And why not? Sa official report ni Commissioner Willie Marcial at chairman Ricky Vargas, malaki ang kinita ng PBA sa 49th Season.

Umabot sa P193 million ang net income ng liga nu’ng huling season kung saan nanalo ng dalawang titles ang TNT at isa ang San Miguel Beer.

Na-retain din as Commissioner at chairman si Marcial at Vargas. Ika-siyam na season na nilang dalawa sa puwesto.

Tama naman dahil bakit mo papalitan ang hinete kung maganda ang takbo ng kabayo.

Very successful season hindi lang sa revenues kundi sa mileage ng TV ratings at social media views.

Isa lang ang ibig sabihin nito: ang PBA pa rin ang No. 1 na liga or sports entertainment program sa bansa.

Forever!