January 20, 2026 | 12:00am
Ngayon araw na ito ay ibabahagi ko po sa inyo ang isa sa unang nagpalaganap o founder ng Hydroponics method of farming sa bansa.
Ang aking tinutukoy ay ang Prima Farm Solution na pag-aari ni Estrellito “Rely” Baluyot, dating Technical Director ng PTV-4 na ang kanilang farm ay makikita sa 567 Daang Balite Road, Silang Cavite.
Noong magretiro sa PTV-4 si Sir Rely ay nagtrabaho siya sa ibang bansa o nag-OFW at pagbalik sa Pilipinas ay naging libangan niya ang magtanim ng iba’t ibang uri ng gulay.
Ang dating libangan lang ni Sir Rely, ngayon ay kumikitang kabuhayan sa paghahalaman.
Ayon kay Sir Rely, siya ang unang nagtanim ng gulay sa Pilipinas sa pamamagitan ng Hydroponics o pagtatanim sa tubig gamit ang nutrients solution.
“May mga kaibigan akong dayuhan o foreigner na hydroponics farmer sa kanilang bansa kapag nagkikita kami ay pinapainom ko. Kapag lasing na sila ay ibinibigay na lahat sa akin ang kanilang sikreto sa hydroponics kaya gumawa ako ng sariling kung formulation,” aniya.
Sinabi ni Sir Rely, pinangalanan ng anak niyang Arch na si Andre Baluyot ang nasabing formulation na Prima Solution na ang ibig sabihin ay nangunguna o prime.
Dahil sa pagiging creative ni Arch. Andre ay unti-unting nakilala ang Prima Farm Solu-tion.
Hindi sinarili ni Sir Rely ang teknolohiya sa halip ay nagbigay siya ng libreng seminar sa lahat ng gustong matuto sa Hydroponics method of farming hanggang unti-unting lumaganap sa ating bansa.
Mula sa tatlong malalaking green house sa Silang Cavite ay may branch na rin sa Baguio City ang Prima Farm Solution.
Sa ngayon ay nasa 27-years na ang Prima Farm Solution at maraming ng distributor sa ating bansa. Malaki na ang ambag sa larangan ng agrikultura ng Prima Farm Solution lalo na ngayon na patungo na ang bansa sa moderno pagsasaka.
Hinihikayat ni Sir Rely ang lahat na magtanim na rin ng sariling pagkain. Ngayong Linggo, January 25, 2026 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Sir Rely sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hang-gang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Face-book page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Nga-yon (PSN) ng PhilStar Media Group.
Nitong nakalipas na June 20, 2025 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Excellence in Media Agriculture and Community Empowerment ng Global Filipino Achievers Awards sa Sydney Australia.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197.
STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.