Ginebra, NLEX itutuloy ang arangkada


MANILA, Philippines — Itatagay ng Barangay Ginebra ang ikatlong sunod na panalo sa pagharap sa bumubulusok na Blackwa­ter sa Season 49 PBA Phi­lippine Cup

Lalasingin ng Gin Kings ang Bossing ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang bakbakan ng NLEX Road Warriors at Converge Fi­ber­Xers sa alas-5 ng hapon sa PhilSports Arena sa Pa­sig City.

Solo pa rin ng Magnolia ang liderato bitbit ang 6-1 record kasunod ang NLEX (5-1), San Miguel (5-2), Gi­nebra (4-2), Converge (5-3), TNT Tropang 5G (4-3), Rain or Shine (4-3), nag­dedepensang Meralco (4-5), Phoenix (2-5), NorthPort (1-5), Blackwater (1-5) at sibak nang Terrafirma (1-7).

Umiskor ang Gin Kings ng 85-66 panalo sa Fiber­Xers at 119-112 paggupo sa Fuel Masters.

“Things are looking good. We’re getting better, and this is the first time we’ve been able to put back-to-back games together. That’s really impor­tant to us,” sabi ni Ginebra coach Tim Cone sa kanyang ‘never-say-die’ team na lumakas ang tsansa sa Top Four.

Ang makakasama sa gru­po ang bibigyan ng ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals.

Bagsak naman ang Bossing sa ikatlong dikit na kamalasan kasama ang 85-103 kabiguan sa Bolts no­ong Miyerkules.

Samantala, ang ikaa­nim na sunod na ratsada ang gustong gawin ng Road Warriors laban sa Fi­ber­Xers.

““Maliit kami pero mala­ki ang puso. Because re­boun­ding, I think, is other than technique. Iyong gusto mong mag-rebound eh,” sa­bi ni NLEX coach Jong Uichico sa mas malalaking Con­verge.