Gregorio opisyal na | Pilipino Star Ngayon


MANILA, Philippines — Opisyal na sisimulan ngayong araw ni Patrick ‘Pato’ Gregorio ang kanyang tungkulin bilang bagong chairman ng Phi­lippine Sports Commission (PSC).

Mangyayari ito sa isang simpleng turnover ceremony kasama si outgoing PSC chief Richard Bachmann sa ganap na alas-10 ng umaga sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila.

Si Gregorio ang ika-13 chairman ng sports agency na itinatag noong 1990 sa pamamagitan ng Republic Act 6847.

Siya rin ang ikatlong appointee ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos Jr. sa ilalim ng kanyang administrasyon matapos sina Bachmann at dating PBA Commissioner Noli Eala.

Umaasa si Bachmann na ipagpapatuloy ni Gregorio ang mga programa ng sports commission kagaya ng Batang Pinoy at Phi­lippine National Games bukod sa magandang pakikisama sa Philippine Olympic Committee (POC).

“I leave the PSC with a deep sense of fulfillment. I thank the hardworking men and women of the PSC, our national athletes and coa­ches, the Philippine Olympic Committee, and everyone who has contributed to uplifting Philippine sports,” ani Bachmann sa kanyang statement kahapon.