Ngayon araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang succesful na pagtatanim ng iba’t ibang uri ng gulay, herbs at iba pang halaman sa isang exclusive subdivision sa Makati.
Ang aking tinutukoy ay ang Bel-Air Community Farm sa Belair Park, Makati City.
Ang farm ay joint project ng Barangay at Bel-Air Village Association, Inc.
Ayon kay Farmer in Chief Louie Gutierrez at Kagawad Joan Asuncion, layunin nila na maipalaganap sa buong bansa ang kahalagahan ng pagtatanim ng ating sariling pagkain sa ating mga tahanan.
“We encourage everyone to plant and grow your own food in your homes,” sabi ni Gutierrez at Asuncion.
Sinabi ni Asuncion, nagsimula sila sa pagtatanim sa loob ng kanilang village noong kasagsagan ng pandemya ng Covid-19 at tuluy-tuloy hanggang ngayon.
Ang grupo ni Gutierrez na Urban Farmers PH ang siyang nagsilbing gabay ng mga homeowners para pasimulan ang napakagandang programa na pagtatanim ng sariling pagkain.
“Dati hindi namin kakilala ang karamihan sa mga nakatira rito sa aming village, pero noong magkaroon kami ng community farm ay naging magkakaibigan kami bunsod ng samasama pagtatanim,” pahayag pa ni Asuncion.
Si Asuncion ay siya rin Vice Chairman ng Clean and Green program sa kanilang barangay kaya higit pang pinagbuti ang pagtatanim.
Ang team ng Masaganang Buhay ay una na ring na-interview, nakausap at na-featured ang Urban Farmers PH ni Gutierrez dahil sila rin ang nag-cultivate sa bakanteng lote at nagtanim ng mga gulay sa BGC Taguig sa gitna ng matatayog na gusali ay may luntiang garden.
Maraming volunteer farmers ang Urban Farmers PH na handang magbigay ng assistance sa sino mang nagnanais na matuto pa sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Ang Urban Farmers PH din ang isa sa tumulong sa Backyard Bukid sa nasa loob ng compound ng head office ng San Miguel Corporation sa Ortigas Center., Mandaluyong City.
Ang Magsasakang Reporter, team ng Masaganang Buhay at ang Pilipino Star Ngayon ay saludo sa lahat ng bumubuo ng Urban Farmers PH dahil sa iyong abilidad, dedikasyon at intensiyon na i-share sa iba ang inyong kaalaman sa pagtatanim.
Marami pa ang nagpapaturo sa Urban Farmers PH sa pagtatanim at willing naman silang ibahagi sa iba ang hiram na talento mula sa Panginoon.
Sa mga nagnanais matuto sa pagtatanim at bumili ng mga sariwang harvest na gulay sa Bel-Air Community Garden at Urban Farmers PH ay i-text lamang po ninyo si sir Louie Gutierrez sa kanyang number na 0918-901-01-83.
Ngayong Linggo, July 13, 2025 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Sir Louie at Kagawad Joan sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari rin kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Face-book page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group of Publications.
Nitong nakalipas na June 20, 2025 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Excellence in Media Agriculture and Community Empowerment ng Global Filipino Achievers Awards sa Sydney Australia.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197.
STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.