October 21, 2025 | 12:00am
Ngayon araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang isang napakagandang farm sa Arayat Pampanga na bawat tanim ay pinanday at pinalaki sa pagmamahal o grown with love.
Ang aking tinutukoy ay ang Vibrant Greens Farm na makikita sa Purok 3, Maluyus, Brgy. Baliti, Arayat Pampanga na malapit lamang sa Mt. Arayat.
Ayon kay Hosea David, owner ng Vibrant Greens, nagsimula siyang mag-venture in farming noong 2023, gamit ang Hydroponics Kratky Method.
“Early 2023, nagsimula akong mag-farm. Considered as urban gardening, since nag-start po ako sa rooftop ng bahay namin,” ayon kay Hosea.
Mga gulay partikular na ang lettuce ang itinanim ni Hosea para makatulong sa food security and sustainability ng ating bansa.
“Nagsilbing healthy living sa aming pamilya ang pagkahilig ko sa pagtatanim dahil mahilig din kami kumain ng mga gulay.
Napakasarap sa feeling na sarili mong ani ay sarili mo ring kakainin at alam mong malinis ang pagpapalaki,” sabi ni Hosea.
Sinabi ni Hosea, dahil sa panuntunan nila ay Vibrant Variety, Grown with Love, Delivered Fresh more than just lettuce, malutong, matamis ang lasa ay unti-unting nakilala ang Vibrant Greens kaya palagiang simot o ubos ang harvest nila sa farm.
“Working with passion makes the objective excellent in Vibrant Greens,” sabi ni Hosea
Marami ring pagsubok ang pinagdaanan nila pero hindi sila sumuko sa halip ay lalo pang nag-aral at nagsaliksik.
“Ngayon tag-ulan hindi maiiwasan ang fungus attack sa ating mga tanim dahil sa lapitin ang mga tanim natin ng fungus tuwing mataas ang humid. Sa tig-init naman nandiyan ang mga thrips especially pag nagha-harvest ng palay o mais ang mga kapitbahay natin sa farm naghahanap ng matutuluyan ‘yung mga peste kahit naka-greenhouse po tayo,” pahayag ni Hosea.
“Sinolusyunan po namin ito sa pamamaraang dapat malinis ang kapiligaran, siguraduhin sarado talaga ang greenhouse at all times, repair agad kung may butas ang greenhouse nets natin,” aniya
Sa ngayon ang mga naha-harvest na tanim sa Vibrant Greens ay dumidiretso na sa lahat ng restaurants and cafes.
Payo ni Hosea sa mga gustong matutong magtanim o magtayo rin ng farm, mag-aral ng mabuti tungkol sa pagha-hydroponics dahil may mga technical na aspeto.
Maraming benepisyo aniya ang nakukuha sa pagtatanim.
“Safety kasi alam natin na malinis ang pagkatanim nito, walang mga synthetic na ini-spray sa mga tanim natin. Security, dahil tayo po ang nagfi-fill ng gaps na kapag nagkukulangan ang ibang suppliers ng lettuce sa region natin.
Sa mga gustong bumili ng masarap, matamis, malutong at fresh na lettuce ay magpadala lang ng mensahe sa kanilang facebook page na Vibrant Greens at Hosea David.
Ngayong Linggo, October 26, 2025 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Hosea sa TV show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.
Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hanggang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.
Maaari din kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Channel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.
Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group of Publication.
Nitong nakalipas na June 20, 2025 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Excellence in Media Agriculture and Community Empowerment ng Global Filipino Achievers Awards sa Sydney Australia.
Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.